Una sa Balita

Coco Martin, ‘hari’ pa rin sa TV!

COCO MARTIN
0 2

Wagi pa rin ang ABS-CBN sa ratings nga­yong Mayo, kung saan nagtala sila ng 44% na audience share, kumpara sa 32% ng kalaban, ayon sa Kantar Media. At halos 20 milyon page views din ang nakuha ng mga programa nito sa video streaming website ng ABS-CBN na iWant TV.

Siyam sa Top 10 na programa ay nakuha rin nila. Ang primetime block ay nananatiling balwarte ng ABS-CBN, at naitala nila ang average audience share na 49% kumpara sa 31% ng kalaban.

Hari pa rin ang “FPJ’s Ang Probinsyano” (41.1%), na nanguna nga sa 9 na palabas ng ABS-CBN na pasok sa Top 10. Pasok din ang The Voice Kids (36.1%), Dolce Amore (32.9%).

Abante Hiring – IT dep

Pilipinas Got Talent (32.8%), Maalaala Mo Kaya (30.1%), TV Patrol (29.5%), Wansapanataym (28.9%), Home Sweetie Home (23.7%), at Rated K (21.2%).

Number one pa rin ang Be My Lady (17.4%), at wagi pa rin ang It’s Showtime (18.5%) kumpara sa Eat Bulaga (12.3%).

Maningning din ang Kapamilya Gold sa afternoon block na nakakuha ng 46% nationwide rating laban sa 33% ng kalaban. Wagi ang Doble Kara (18.0%) at Tubig at Langis (15.9%).

Panalo rin ang ABS-CBN sa ibang teritoryo tulad sa Balance Luzon (mga lugar sa Luzon sa labas ng Mega Manila) sa national average audience share na 47% kontra 33% ng GMA; sa Visayas sa audience share na 54% kontra 24% ng kalaban; at sa Mindanao na may 54% kontra 27%.

Sa iWant TV naman, humakot ang ABS-CBN ng 19.91 million views para sa buwan ng Mayo. Ang mga paborito sa primetime na Dolce Amore (4.5 million page views), FPJ’s Ang Probinsyano (2.25 million page views).

Ang livestreaming channel ng ABS-CBN sa iWant TV ay nakapagtala rin ng 3.18 million page views. Ang malakas na presensya ng ABS-CBN online ay alinsunod sa layunin nitong maging isang digital company na nakakapaghatid ng content at serbisyo sa pamamagitan ng iba’t ibang digital platforms tulad ng digital television nitong ABS-CBN TVplus at sarili nitong mobile brand na ABS-CBNmobile.