Una sa Balita

Coco madalas tumoma sa Novaliches

0 1,014

Dapat ngang hangaan si Coco Martin ng kanyang mga kasamahan sa industriya, partikular na ang mga nakakatrabaho niya sa “FPJ’s Ang Probinsyano” at sa lalabas nitong movie para sa MMFF 2019 na “3Pol Trobol: Huli Ka Balbon” na pinagbibidahan din nina Ai Ai delas Alas at Jennylyn Mercado.

Nabunyag sa mismong presscon ng nasabing movie kung gaano kaistrikto at kametikuloso si Coco sa kanyang trabaho at sa mga kasamahan nito. Panay ang sabi ng mga katrabaho ng tinaguriang Primetime King, na istrikto ito at mabusisi sa mga eksena.

Umamin si Coco sa pagiging halos perfectionist niya na pati medyas ng kanyang mga kasamahan sa “AP” ay tsini-check niya. ‘Pag hindi raw itim ang suot na medyas ng mga kaeksena niya, magpapakain ito sa buong production.

‘Pag hindi itim ang sapatos, may multa at kailangang gastusan ang pagpapakain sa lahat.

Hindi rin uubra kay Coco ang late-comer. May karampatang parusa o penalty sa late at depende pa ito sa ilang minuto na kanyang pagdating nang late.

Simple lang ang rason ni Coco kung bakit gusto niyang maayos lahat sa kanyang production. Upang matapos nang maayos at maaga ang kanilang trabaho.

Gusto ni Coco na makasama ang kanyang mga mahal sa buhay pag-uwi niya at mabigyan pa ng oras ang mga ito lalo na ang kanyang Lola.

Pahinga lang sa kanyang tahanan at ang pagbisita sa dating tinutuluyan sa Novaliches ang pambalanse ni Coco sa kanyang “katinuan” o “sanity” na tinatawag.

Makikipagkuwentuhan at inuman lang sa mga nananatiling mga kaibigan sa lugar kung saan siya nagsimula. Kaya naman ganu’n na lamang ang paghanga kay Coco ng kanyang mga co-actor dahil sa disiplina nito sa trabaho na nais nitong ibahagi sa lahat.

***

Bianca Manalo 9 na taon nang type ni Sen. Win

Isang taon na ang kanilang romantic relationship kaya naman unti-unti na ring ibinabahagi ni Bianca Manalo sa social media ang kasintahang si Sen. Win Gatchalian.

Kilala si Bianca sa pagiging very private pagdating sa kanyang personal life, at love life. Pero sa pagkakataong ito, matapos masilip ng netizen si Sen. Gatchalian sa nakaraang birthday party ni Sorsogon Gov. Chiz Escudero, kasama si Bianca, panaka-naka na ngang nagpu-post ang aktres ng mga larawang magkasama silang dalawa.

Nitong nakaraang anniversary nila, pinost ni Bianca ang larawan nila ni Sen. Win sa kanyang Instagram kahit hindi harap-harapan ang kuha.

Paliwanag ni Bianca, umabot na sa isang taon ang kanilang relasyon at maayos pa rin hanggang ngayon ang kanilang samahan, kaya puwede na niya itong ipasilip sa lahat.

Sa kuwento ni Bianca, habang ginagawa pa lang niya ang kanyang lead starrer series na “Juanita Banana” nong 2010, gusto na raw siyang makilala ni Sen. Win.

Hindi natutuloy ang pagkikita at date nila dahil palaging may karelasyon ang beauty queen.

Nang magkaroon ng pagkakataon si Sen. Win, ayon pa kay Bianca, niligawan na siya nito, hanggang sa sagutin niya ang pag-ibig nito.

Sa usaping kasalan, ini-enjoy pa raw muna nila ang kung anong meron sila ngayon.

Kasama nga pala si Bianca sa MMFF 2019 movie entry ni Coco na “3Pol Trobol: Huli Ka Balbon,” na showing ngayong Dec. 25.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More