Una sa Balita

Coco kaabang-abang ang paandar sa ‘Eat Bulaga’

0 684

Hindi masyadong nilinaw ni Coco Martin ang posibilidad ng muli niyang pagtuntong sa Eat Bulaga para mag-promote ng MMFF 2018 movie entry nilang “Jack Em Popoy (The Puliscre­dibles)” pero sinabi niyang ‘puwede’ siyang mag-guest sa top-rated noontime show ng GMA 7.

Umapak na si Coco sa studio ng Eat Bulaga nu’ng mag-shoo­ting siya ng isa niyang eksena para sa movie. Ang eksena nga ay ‘yung pagsali niya sa isang persona­lity contest sa show na parte ng kanilang pelikula.

Pero ayon kay Coco, kinabahan siya na parang totoong kalahok siya sa kontes.

Ibinahagi ni Coco na ilang beses siyang nag-take ng kanyang eksena sa kontes dahil sa nerbiyos.

Mabuti na lang at hindi raw siya binitiwan ng direktor nilang si Mike Tuviera.

Ang daming rebelasyon ni Coco sa presscon ng pelikula na ginanap noong Huwebes ng hapon sa Cities Events Place sa QC. Sinabi niyang ipinakiusap niya sa ABS-CBN ang project nilang ito ni Vic para lang matupad ang pangarap niyang makasama ang tinaguriang Bossing ng Comedy sa MMFF.

Ayon sa kanya, ipinag­laban niya ito sa mga top brass para lang matuloy ang project, at pinagbigyan naman siya.

Isa pa sa rebelasyon ni Coco ay ang naudlot na dapat sana ay pagsasamahan nila ni Bossing na movie bago pa ipinanganak sa ABS-CBN ang “FPJ’s Ang Probins­yano.”

Sa pelikulang may title na “Enteng at Juan”, u­nang inilatag ni Coco ang movie pro­ject kay Vic na hindi natuloy. Kaya nga nakalutang sa kaligayahan si Coco nga­yon dahil nga hindi lang si Vic ang nakasama niya sa movie kundi pati si Maine Mendoza.

Ayon pa kay Coco, nang ma-close ang deal ng movie nilang ito ni Vic, pinagtrabahuhan daw ni Coco ang buong project para hindi siya mapahiya sa huli.
Pinuri ni Coco si Vic at ang pagiging maasikaso ng buong production sa kanilang mga Kapamilya star.

Sey ni Coco, kaya nagtagal sa industry ang Eat Bulaga dahil mababait sa lahat ang mga tao ng prog­rama.

Nasa presscon din ang may-ari ng TAPE Inc. at APT Entertainment na si Mr. Tony Tuviera. In-acknowledge ito at pinuri ni Coco.

 

Hannah ‘di type magdyowa ng taga-showbiz

Isang non-showbiz ang boyfriend ng isa sa cast ng MMFF 2018 movie entry na “The Girl in the Orange Dress” na si Hannah Ledesma. Pagbabahagi ni Hannah sa panayam sa kanya ng Abantelliling kasama si Dondon Sermino, apat na taon na rin ang romantic relationship ng dalaga sa boyfriend niya na hindi na niya pinangalanan pa.

Kitang-kita na in love si Hannah sa kasintahan dahil nahalata sa mukha niya ang pagtutol sa mga biro namin na baka hindi sila magkatuluyan. Hindi naman sa ayaw ni Hannah sa mga taga-showbiz, pero mas naramdaman daw niya ang connection sa dyowa niya ngayon.

Sa tanong kung gaya ni Sheena Halili na nauwi sa engagement ang relasyon nito sa non-showbiz fiancé niya, wala pa raw ideya si Hannah tungkol dito. Marami pa raw kasing gustong gawin si Hannah sa kanyang karera, at naiintindihan naman ito ng kanyang boyfriend.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy