Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Coco, Julia, Vice napapanood na sa Leyte, Samar

0 140

Mas maraming Pilipino na sa Eastern Visayas ang makakapanood ng “It’s Showtime” (Vice Ganda, Vhong Navarro) at “FPJ’s Ang Probinsyano” (Coco Martin, Julia Montes) dahil sa pagsasanib-pwersa ng Zoe Broadcasting Network, Inc. at Philippine Collective Media Corporation o PCMC para maipalabas ang shows na ito sa pamamagitan ng PRTV Channel 12.

Ito ang nakalagay sa post ng A2Z noong Lunes sa official Facebook page nila para pormal na ianunsyo ang pakikipag-partner ng Zoe Broadcasting sa PCMC.

Ayon sa post, naganap ang partnership signing noong September 18 sa pagitan nina PCMC President na si Sofonias P. Gabonada Jr. at Zoe TV OIC-General Manager na si Rene S. Gonzalez.

Bukod sa bagong episodes ng “FPJ’s Ang Probinsyano” at “It’s Showtime,” mapapanood na rin ng mga Taclobeño ang “Balitang A2Z.”

Umani naman ng magagandang reaksyon mula sa netizens ang nasabing partnership.

Post ni Reggie Mae Morabe,”Thank you nakakapanood na po kami dito sa Tacloban. Sobrang linaw po.”

Hiling din ng iba na sana ay maabot na ng A2Z channel ang lugar nila para mapanood na rin nila si Cardo at iba pang mga na-miss nilang Kapamilya star. (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.