Una sa Balita

Coco, Julia teleserye inaabangan ng mga fan

0 426

Balik showbiz na:

Nagbunyi ang mga fan, pati na ang mga Kapamilya star sa napipintong pagbabalik ni Julia Montes sa showbiz, o paggawa ng teleserye.

Nag-post na nga ang bossing ng Dreamscape na si Deo Endrinal ng photo nila ni Julia na magkasama, at mukhang ngayon pa lang ay niluluto na nila ang bonggang teleserye na posibleng magbalik sa aktres sa pagiging prinsesa ng mga teleserye.

“Sometimes, some people are just worth the wait. Welcome back! #24/7 #exterminate,” ang bonggang caption ni Deo sa photo nila ni Julia.

Siyempre, nauna na ring mag-post ang manager ni Julia na si Erickson, at mukhang plantsado na nga ang gagawing teleserye ng alaga niya.

“Welcome back @montesjulia08 ! 2020 will be a busy year for you and I can’t wait to share all the projects lined up for you. Exciting months ahead!” sabi pa ni Erickson.

Mababasa nga ang tuwang-tuwang reaksiyon nina Bea Alonzo, Maja Salvador, Vina Morales, at marami pang iba, sa IG post na ‘yon ng dalawa.

Pero, hirit nga ni madel_lexa_cj: “Nice to be back JULS. I’m glad na babalik na ang isa sa pinaka mahusay na artista. I’m sure na maraming netizens na nag-aabang sa yo. Tama ginawa mo, i absolutely agree na nag keep quiet ka sa mga issues para sa pagbalik mo may aabangan mga netizens bongga yan..I’m very proud of you.”

Pero siyempre, marami ang humihiling na si Coco Martin sana ang maging leading man ni Julia sa susunod, o pagbabalik teleserye niya. Siguradong bongga raw kapag ganu’n.

Eh, ‘di ba? Matatapos na rin naman ang “FPJ’s Ang Probinsyano” kaya siguro naman ay may time na si Coco para kay Julia, I mean, sa teleserye nila ni Julia, na hiling ng mga fan nila. (Dondon Sermino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More