Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Coco, Julia namasyal na magkayakap sa Mindoro

0 36

Ang daming kinikilig sa mga naglalabasang photo nina Coco Martin at Julia Montes, na mga kuha nila sa shooting ng pelikula sa Oriental Mindoro.

Kung dati nga ay sabik na sabik silang makita na magkasama ang dalawa, pero ngayon nga ay binubusog sila ng CocoJuls, ha!

Ang mga bagong lumabas na photo nga ng dalawa ay nagpapakita na nagpapatakbo all-terrain vehicle (ATV) si Coco. Ito nga `yung parang motorsiklo rin, pero apat ang gulong.

At yes, hindi raw part ng shooting ang mga naglabasang pelikula, sabi ng mga nakasaksi sa shooting. Gusto lang daw patunayan ni Coco kay Julia na gagawin niya ang lahat mapaligaya lang ang mahal niya. Na sa lahat ng pagkakataon ay safe si Julia sa piling niya.

Well, kitang-kita naman ang mahigpit na yakap ni Julia sa dyowa niya, na siyempre ay may kasamang matamis na ngiti. Sabi nga, parang ngayon lang nagkakilala sina Coco at Julia kung maglambingan. Kumbaga, parang ngayon pa lang nagsisimula ang relasyon nila, ha!

At bongga nga ang mensahe sa kanila ng mga fan.

“Have fun and keep safe lovebirds. Napakasimple talaga ng mag-couple. Walang kaartehan. Si Julia, walang make up pero ang ganda pa rin.”

“Wow ang sweet naman nila. Ganiyan talaga dapat.”

Well… (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.