Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Coco, Julia matindi pakilig sa ASAP

0 177

Todo-todo ang aksyon ngayong Linggo (Nob. 14) dahil sa engrandeng pagdiriwang ng ika-anim na taon ng teleseryeng “FPJ’s Ang Probinsyano.”

Tampok ang mga kaabang-abang na performance nina Coco Martin, Julia Montes, at ang bigating salubong para kay Megastar Sharon Cuneta sa “ASAP Natin ‘To” sa Kapamilya Channel, A2Z, and TV5.

Abangan si Sharon para sa kanyang performance kasama sina Gary Valenciano, Erik Santos, Jed Madela, at Ogie Alcasid bilang anniversary treat ng programa.

Pakatutukan din ang masayang TikTok sayawan mula sa cast nitong sina Rowell at Raymart Santiago, Michael de Mesa, Shaina Magdayao, Angel Aquino, Ara Mina, Marela Torre, Maika Rivera, Whitney Tyson, Vangie Labalan, Marc Solis, John Medina, Joseph Marco, Michael Flores, Mark McMahon, Paolo Paraiso, John Wayne Sace, Bassilyo, Smugglaz, CJ Ramos, Sancho delas Alas, Danny Ramos, Jay Gonzaga, Nonong Ballinan, at John Prats.

Makisalo rin sa pa-birthday blowout ni Coco Martin tampok ang Hagibis performance nila nina Bassilyo at Smugglaz, at ang kilig kantahan nila ni Julia Montes.

At abangan ang maagang pamasko mula kina Gary Valenciano, Ogie Alcasid, Erik Santos, Angeline Quinto, Darren, Klarisse de Guzman, Jason Dy, Regine Velasquez, at Sharon Cuneta kasama sina Coco Martin, Julia Montes, at iba pang cast ng “FPJ’s Ang Probinsyano” tampok ang bagong Kapamilya Christmas ID na “Andito Tayo Para sa Isa’t Isa.” (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.