Una sa Balita

Coco, Juday tandem sa ‘Ang Probinsyano’

0 480

Pinag-uusapan ngayon sa social media ang pagsasama nina Coco Martin at Judy Ann Santos sa set ng “Ang Pro-binsyano.” Sa post kasi ng official Instagram page ng Dreamscape, magkasama ang dalawang bituin sa bibihirang pagkakataon. Indikasyon na nga raw ito ng pagbabalik-tele-bisyon ni Juday.

Marami na rin naman ang nakaka-miss kay Juday, at kung gagawa man siya ng TV appearance, tamang sa “Probinsyano” ‘yun dahil ito ang number one na palabas ngayon.

Ang netizens naman, push talaga kay Juday na lumabas sa serye ni Coco.
“Lalong kaabang-abang na ang Probinsyano. Mahusay din sa action si Ms. Juday! Aabot ng dekada yang Probinsyano for sure,” comment ni @prettymhe26.

“Super excited na ako if anong character ni Ms. Juday sa FPJAP,” sabi naman ni cullentas29.

“Wow! My ultimate idol @official juday. Sana nga pumasok siya sa diyan sa AP manonood ako promise,” sabi ni @tonybel_hk.

Naku ha, mukhang exciting nga ito kung nagkataon.

Palaban din naman si Juday sa action at ready na ang mga tao na mapanood ulit siya. Abangan ang pasiklaban nina Juday at Coco!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy