Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Coco, Jane sanib puwersa vs Lorna, Richard

0 30

Ang dating magkaaway, na hinangad na magpatayan, magka-alyado na ngayon. Bongga, di ba?

Nadagdagan ang mga kakampi ni Cardo (Coco Martin) dahil desidido na ang dati niyang kaaway na si Lia (Jane De Leon) na protektahan ang Task Force Agila sa “FPJ’s Ang Probinsyano,” na napapanood gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Dahil nababalot ng sariling konsensya sa pagkakapatay ng Black Ops sa asawa ni Cardo, sinuway ni Lia ang batas sa pagpapatuloy niya kina Cardo sa bahay ng pamilya niya para tulungan silang magtago mula sa mga awtoridad at sa mga kalabang tumutugis sa kanila.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Mas kakailanganin din ngayon ni Cardo ang tulong ni Lia dahil nagsanib-pwersa na ang mga mortal niyang kaaway na sina Lito (Richard Gutierrez) at Lily (Lorna Tolentino).

Panibagong kalbaryo naman ang haharapin ni Lily dahil sa wakas ay magigising na si Presidente Oscar (Rowell Santiago), na ngayon ay mapapasailalim na rin sa kapangyarihan ng kaaway nitong si Renato (John Arcilla).

Anong naghihintay sa kanila sa muling paggising ni Presidente Oscar? Matutunan kaya ni Cardo na pagkatiwalaan si Lia?

Patuloy na sinusubaybayan ng mga manonood ang matitinding bakbakan ni Cardo dahil nagtala ng panibagong record ng pinakamaraming viewers na sabay-sabay na nanonood sa Kapamilya Online Live sa YouTube matapos makakuha ng 156,099 live concurrent viewers ang episode noong Hunyo 8. (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.