Una sa Balita

Coco hindi matinag, hari pa rin ng teleserye

0 328

ABS-CBN pa rin ang mas tinutukan ng mga manonood noong Mayo upang makakuha ng mga makabuluhang balita at mga kwentong puno ng aral sa pagtala nito ng ave-rage audience share na 44% laban sa 31% ng GMA, ayon sa datos ng Kantar Media.

Kitang-kita ang pamamayagpag ng ABS-CBN sa buong bansa sa mga programang nitong patuloy na pinapanood ng viewers, na pinapangunahan ng “FPJ’s Ang Probinsyano” (37%) na sinundan naman ng “The General’s Daughter” (31.2%).

Nangunguna naman bilang most watched weekend show nationwide ang “Search for the Idol Philippines” (28.8%), habang ang “TV Patrol” (27.3%) ang mas sinubaybayan noong nakaraang buwan dahil sa Halalan 2019 coverage nito.

Pasok rin sa top 10 ang “Maalaala Mo Kaya” (25.6%), “Kadenang Ginto” (25.3%), “Hiwaga ng Kambat” (23.1%), at “Home Sweetie Home: Extra Sweet” (22.7%).

Samantala, ABS-CBN din ang nanguna sa lahat ng time blocks, partikular na sa primetime block kung saan nagkamit ito ng average audience share na 47% at tinalo ang 33% ng GMA. Ang primetime block ang pinakaimportante parte ng araw kung kailan karamihan sa mga Pilpino ay nanonood ng telebisyon at inilalagay ng advertisers ang malaking parte ng kanilang investment upang makaabot sa mas maraming consumers.

Nanguna rin ang Kapamilya network sa morning block (6 AM to 12 NN) sa pagtala nito ng 34%, kumpara sa 30% ng GMA; sa noontime block (12 NN to 3 PM) sa pagrehistro nito ng 43% kontra sa 31% ng GMA; at sa afternoon block (3 PM to 6PM) sa pagkamit nito ng 50% at tinalo ang 20% ng GMA.

Mas pinanood sa parehong urban at rural homes ang ABS-CBN, partikular na sa Metro Manila sa pagtala nito ng average audience share na 42% kumpara sa 24% ng GMA, at sa Mega Manila sa pagrehistro nito ng 36% laban sa 31% ng GMA. Nanguna rin ang Kapamilya network sa Total Luzon sa pagtala nito ng 39% kumpara sa 34% ng GMA, sa Total Visayas sa pagrehistro nito ng 53% laban sa 25% ng GMA, at sa Total Mindanao kung saan nakakakuha ito ng 51% at tinalo ang 28% ng GMA.

Kinakatawan ng Kantar Media ang 100% ng mga manonood ng telebisyon sa buong bansa sa paggamit nito ng nationwide panel size na 2,610 na urban at rural homes.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy