Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Coco, Grace, pasabog ang welcome kay Lovi sa ASAP

0 158

Pasabog talaga ang pag-welcome ng ABS-CBN kay Lovi Poe sa ASAP Natin To, ha! Imagine, nagsama-sama talaga ang pinakamalalaking artista ng Channel 2 para lang salubungin, batiin, at i-welcome si Lovi, ha! Kaya si Lovi, mangiyak-ngiyak talaga sa mga nakita niyang eksena.

Anyway, ang sister niyang si Sen. Grace Po ang nanguna sa pagbibigay ng mensahe kay Lovi. Na sinundan pa ni Coco Martin, na gumaganap nga sa mga role ng tatay niyang si Fernando Poe, Jr.

At siyempre, ang mga dati niyang kasamahan sa Kapuso Network, sina Iza Calzado, Janine Gutierrez, Paulo Avelino, Sunshine Dizon, Ogie Alcasid. At siyempre, ang bago niyang leading man na si Piolo Pascual.

At kaloka rin na sumabak agad siya sa duet kina Gary Valenciano, Erik Santos, ha!

Well, reynang-reyna nga ang trato ng Channel 2 kay Lovi. At in fairness, masaya ang mga Kapamilya fan para sa kanya.

“Bonggang welcome talaga kay Lovi. Grabe ang ganda!” sabi ni Ramobert.

“Grabe talaga ang ABS-CBN mag-welcome. Nakaka-touch. The ABS-CBNs Precious Jewel. So happy for you Lovi!” saad ni Karl Cojuanco.

Well… (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.