Una sa Balita

Coco, ‘di pa kayang kabugin si Lito Lapid!

By
0 236

Bumilib sa veteran action star na si Lito Lapid ang kanyang mga kasamahan sa Ang Probinsyano, lalo na ang bida na si Coco Martin, sa husay niya sa paghawak ng baril.

Nag-post sa Instagram si Coco ng short video nila ni Lito habang pahinga sila sa taping ng kanilang serye.

Sa video mapapanood ang paglalaro ni Lito ng baril sa kanyang mga kamay. Itinatapon sa ere, pinasirko at ipinapaikot sa kanyang kamay ang baril.

Nasa tabi niya si Coco na napapangiti sa husay at bilis ng kamay ng beteranong aktor sa baril.

“Ang nag-iisang LITO LAPID,” sabi ni Coco.

Nag-comment naman si Janno Gibbs na “Idol Lito Lapid” at si Angel Locsin na “Hanep talaga!” dahil sa napanood nilang bilis ng kamay ng dating Senador.

Sa isa naman video na pinoste ni Yam Concepcion sa  kanyang IG ay si Coco naman ang bida. Bumilib si Yam sa talent ni Coco sa baril.

“Naks, iba rin talaga si Fernan! #FPJAP #FPJAPHusga @cocomartin.”

Pero kumpara kay Lito, marami pang kakaining bigas si Coco para mapantayan o malagpasan niya ang husay ng beteranong actor sa baril.

Jane Oineza, deadma na kay Jeron Teng! 

Sobrang naka-move on nga si Jane Oineza mula sa hiwalayan nila ni Jeron Teng. Kunsabagay, 2 years na silang hiwalay, kaya dapat lang naman.

Naka-post sa kanyang Instagram ang ipinapalagay ng kanyang mga followers na boyfriend niya. At makikitang masaya si Jane sa estado ng lovelife niya.

“I like me better when I’m with YOU. I knew from the first time, I’d stay for a long time,” sabi ni Jane.

Pero, napikon at sinagot ni Jane ang isa niyang follower sa IG dahil sa pagkuwestyon nito sa larawan.

@cherrypinkenrique, “Bakit siya nag-post  ng ganyan at with caption pa e di ba may movie sila ni Jameson, dapat di muna.”

Sinagot naman ito ni Jane…

“@cherriepinkenrique, if ayaw nyo po na malaman/makita ang tungkol sa buhay ko po puwede nyo po ako i-unfollow. Kasi wala po akong kailangan itago and personal IG ko po ito, thank you.”

Anyway, si Jeron ay masaya na rin sa girlfriend niya.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy