Una sa Balita

Coco bawal tumungtong sa ‘Showtime’ studio

Ayaw nina Vice, Anne?

By
0 2,880

Dahil raw sa magandang ratings ng ‘FPJ’s Ang Probinsyano’ kaya’t na­inspire si Coco Martin na kuwento pa rin tungkol sa mga pulis ang gawin nilang movie entry sa darating na MMFF. Ang latest tsika nga, paabutin pa until early next year ang serye para magamit ito nang bongga for his MMFF entry.

May mga bonggang twists and turns daw na gagawin sa kuwentong pulis to capture the whole family thus the inclusion of Vic Sotto as Coco’s partner.

Hindi pa man nga nagsisimula ang shooting nila, marami nang naglalabasang tsika hinggil sa kanilang pagsasama.

Kinumpirma pang kasama nila si Maine Mendoza at may tsikang pati si Maricel Soriano ay hindi rin imposibleng maka-join nila.

This is a wise move for Coco lalo pa’t iba naman ang hatak ng dalawa sa mainstay ng Eat Bulaga.

But wait, years ago pa palang inalok ni Coco si Bossing Vic na makasama ito sa movie. Tinayming lang marahil na meron silang cold treatment as friends ni Vice Ganda, who in turn has his own MMFF entry, just like last year na may hiwalay silang entry.

May tsismis kasi last year na ‘nahirapan’ mag-promote sa ‘It’s Showtime’ si Coco dahil sa ‘request’ ni Vice na sumentro sa movie niya ang promo ng show.

Kaya nga hindi nakapagtataka na at this early, ay may tsismis nang hindi makakatuntong sa ‘It’s Showtime’ si Coco dahil bukod kay Vice, may sarili ring MMFF entry si Anne Curtis na umaasa siyempreng magiging ‘home’ din niya ang show para sa movie promotion niya.

Hmmmm…exciting na parunggitan na naman ito hahahaha!