Una sa Balita

Coco ayaw makatrabaho ni Monsour

0 2,334

Labing-tatlong taon din na nawala sa paggawa ng pelikula ang action star at ngayon ay Congressman ng Makati City na si Monsour del Rosario. Pero, nakumbinse raw siya ng kaibigan at writer/director ng comeback action movie niya na “The Trigonal” na si Vince Soberano.

Pero hindi raw siya ang bida ng movie, siya raw ang nag-recommend kay Ian Ignacio na maging lead at siyang leading man naman ng Kapuso star na si Rhian Ramos.

Mas gusto talaga ni Monsour na siya ang mentor which is, his role in the movie na siya ang nagturo kay Ian ng martial arts. Kaya namin nasabing mas gusto niya ‘yun dahil dalawang beses na pala siyang inalok ng “Ang Probinsyano” pero dala­wang ­beses din niyang tinanggihan.

Ang dahilan, masama raw kasi ang karakter na gagampa­nan niya. ‘Yung una, congressman ang role niya at natuwa raw siya dahil kayang-kaya ­niyang gampanan dahil ‘yun ang ginagawa niya araw-araw, kaso, congressman na protector ng drug lords sa Makati.

Kaya sey niya, “Ang pangit naman, Congressman ako sa Makati tapos, protector pa ‘ko ng drug lord sa Makati! Ayaw ko niyan, medyo pangit.”

After three months, muli raw siyang tinawagan. Para naman daw siyang si Bato, Police Gene­ral. Nagustuhan daw niya. Kaso, ‘yung character naman daw, police general na protector ng pulis na protector ng drug lords.

Siya na raw ang nagsabi na baka puwedeng mentor siya ni Coco Martin, nagtuturo siya ritong bumaril o nag-i-inspire rito na maging pulis. Pero kung hindi raw siya public servant, wala siyang problema kahit anong role, hindi naman daw siya choosy.

“Eh you know naman some people na no read, no write, baka isipin nila sa totoong ­buhay ganyan siya. Kasi, nadadala sila sa acting mo. So, sabi ko, mga positive roles.”

‘Yun nga lang, reunion sana nila ng ex-girlfriend na si Dawn Zulueta ang “Ang Probinsyano”, as well as his other ex na si Agot Asidro kung natuloy pala sila. At sabihin man na mga ex niya ang mga ito, parehong may magandang relasyon daw siya sa dalawa hanggang ngayon na may mga kanya-kanya na silang buhay.

Anyway, bukod sa posibilidad na tumakbo sa pagka-senador si Monsour sa 2019 kung makakasama raw siya sa Magic 12 ng line-up ng government, excited din siya sa pelikula nilang “The Trigonal” na hindi lang sa bansa ipalalabas, ma­ging sa ibang bansa tulad ng China na hit pa rin ang mga action at martial arts genre.