Una sa Balita

Coco, Angel, waging-wagi sa ratings Kapamilya, #1 pa rin

0 190

ABS-CBN pa rin ang pinakatinutukang network pagdating sa paghahatid ng makabuluhang balita at paghahandog ng mga palabas na puno ng aral noong Setyembre matapos nitong umani ng average audience share na 47% o 14 na puntos na mas mataas kumpara sa kalaban na mayroon lamang 33%, ayon sa datos ng Kantar Media.

Ang Kapamilya network din ang pinakapinanood na network sa ibang panig ng bansa. Nanguna ang ABS-CBN sa Metro Manila, sa pag-ani nito ng average audience share na 42%, kumpara sa 28% ng kalaban; sa Total Luzon sa pagtala nito ng 43% at tinalo ang kalaban na may 36%; sa Total Visayas sa pagrehistro nito ng 54% kumpara sa 27% ng kalaban; at sa Total Mindanao, kung saan nagkamit ito ng 54% laban sa 30% ng kalaban.

Number one pa rin ang FPJ’s Ang Probinsyano (40.2%) ni Coco Martin. Hindi rin nagpahuli ang serye ng KathNiel na La Luna Sangre (35.2%) kung saan pinag-usapan ang pagbabalik ni Angel Locsin bilang Jacintha Magsaysay.

Nanatili ring pina­kapinanood na news program ang TV Patrol (33.8%), kumpara sa kalaban (20.9%).At ang Little Big Shots ay humamig ng 33.3%.

Heto pa ang ibang wagi sa ratings:

MMK 25 (30.1%), Wansapantaym Pre­sents: Amazing Ving (27.8%), Wildflower (25.3%). Home Swee­tie Home (23.7%) nina John Lloyd Cruz at Toni Gonzaga, at ang Goin’ Bulilit (21.2%).

Winner ang primetime (6PM-12MN) ng ABS-CBN, kung saan nakakuha ito ng average national audience share na 51%, o 20 na puntos na lamang sa kalaban.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy