Una sa Balita

Coco, Angel pumirma sa open letter ng ABS-CBN franchise renewal

0 418

Mahigit isang libong artistang Kapamilya na ang pumirma sa open letter ng grupong Artists Task Force ChaCha para kay Representative Franz Alvarez dahil lahat sila ay nakikiusap na talakayin na ang franchise renewal ng Dos.

Kabilang na sa mga pumirma ay sina Coco Martin, Angel Aquino, Direk Joel Lamangan, Jaime Fabregas, Tetchie Agbayani, at Ricky Lee.

Ayon sa open letter na ipinost sa Facebook ni Malu Maniquis, noong Agosto pa nila ipinasa ang liham sa House of Representatives. Pero nalulungkot daw sila dahil hanggang ngayon ay hindi pa naaasikaso ang issue.

“It is truly disheartening that this matter has not been addressed, with some eight (8) bills remaining pending, when the franchise is set to expire just eight weeks from now, on March 30,” nakasaad sa liham.

Sana rin daw mabigyang-pansin na ang isyu ng committee ni Rep. Alvarez dahil 11,000 empleyado ang posibleng mawalan ng trabaho at 18 milyong Pilipino na umaasa sa free TV na Channel 2 ang maaapektuhan kung sakali na hindi ma-renew ang franchise ng network.

“This matter is not about who owns the station, or who may be a better owner of this franchise. Let us not gamble people’s lives and future; nor the right of people to information and communication at a time when our country is confronted with so many problems,” sabi pa sa open letter.

“We want to believe that the good congressman and his co-members are imbued with a deep sense of obligation towards their constituency, the Filipino People,” dagdag pa sa liham.

Umaasa sila na ikonsidera ng Kongreso ang kanilang appeal at simulan na ang pagdidinig sa franchise renewal ng ABS-CBN.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More