Una sa Balita

Coco, Angel panalo sa rating

0 1,042

ABS-CBN pa rin ang pinakapi­nanood na TV network noong Enero sa pagbubukas ng taon dahil sa makabuluhang balita at mga aral na dala ng mga programa nito, kaya naman nagtala ang Kapamilya network ng ave­rage audience share na 45% o 15 puntos na lamang kumpara sa 30% ng GMA, ayon sa datos ng Kantar Media.

Kinakatawan ng Kantar Media ang 100% ng mga manonood ng telebisyon sa buong bansa sa paggamit nito ng nationwide panel size na 2,610 na urban at rural homes.

Nanguna ang ABS-CBN partikular na sa Mega Manila, kung saan nakakuha ito ng average audience share na 37%, laban sa 28% ng GMA. Pumalo naman ang ave­rage audience share ng ABS-CBN ng 44% sa Metro Manila, kum­para sa 23% ng GMA. Tinangkilik din ang Kapamilya network sa Total Luzon, kung saan nagkamit ito ng 40%, kumpara sa 32% ng GMA; sa Total Visayas, kung saan nakare­histro ito ng 54% laban sa 25% ng GMA; at sa total Mindanao, kung saan nagtala ito ng 55% at tinalo ang 26% ng GMA.

Patuloy rin na nanguna ang mga palabas ng Kapamilya network sa top 10 list ng pinakapinanood na mga programa noong nakaraan na buwan, kung saan namamayagpag pa rin ang “FPJ’s Ang Probinsyano” (39.1%).

Kabilang din sa top 10 ang mga bagong Kapamilya show tulad ng “The General’s Daughter” (32.8%) ni Angel Locsin at ang “World of Dance Philippines” (30.8%), ang bagong reality talent show na sinundan ng flagship news program ng ABS-CBN na “TV Patrol” (30.2%). Matagumpay din ang pagtatapos ng “Ngayon at Kaila­nman” (28.7%), habang patuloy na
tinatangkilik tuwing Sabado ang “Maalaala Mo Kaya” (24.3%). Patok pa rin sa mga viewer ang “Halik” (23.2), samantalang wagi ang comeback ng “Minute to Win It: Last Man Standing” (22.6%) sa pagpasok nito sa top 10 most watched programs. Kinumpleto ng “Wansapanataym” (22.4%), ang programang laging may mapupulutan ng aral, ang listahan.

Samantala, panalo rin ang ABS-CBN sa lahat ng time blocks, partikular na sa primetime kung saan 50% ang natamong average audience share ng ABS-CBN, o 21 puntos na lamang kumpara sa  29% ng GMA. Ang primetime block ang pinaka importante parte ng araw kung kailan karamihan sa mga Pili­pino ay nanonood ng telebisyon at inilalagay ng mga advertiser ang malaking parte ng kanilang investment upang makaabot sa mas mara­ming consumer.

Matagumpay rin ang Kapamilya network sa morning block (6:00AM-12:00NN) na nakarehistro ng average audience share na 37%, kumpara sa 27% ng GMA; sa noontime block (12:00NN-3:00PM) na may 42%, laban sa 31% ng GMA; at sa afternoon block (3:00PM-6:00PM) na may 44%, na tinalo ang 33% ng GMA.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy