Una sa Balita

Coco, ‘di matibag sa #1!

0 3

Patuloy ang pamamayagpag ng ABS-CBN sa ratings nitong Hunyo, ayon sa datos ng Kantar Media. Tumaas ang national audience share ng ABS-CBN na pumalo ng 47% sa nakaraang buwan habang 32% lamang ang nakuha ng kalaban. Okupado rin ng Kapamilya shows ang Top 10 programs ng Hunyo.

Ang ABS-CBN din ang nangunguna sa paghatid ng online content bilang tugon sa mas dumadalas na panonood ng mga Pilipino gamit ang Internet. ABS-CBN ang pasimuno nito sa bansa sa pamamagitan ng iWant TV at ABS-CBNmobile, samantalang sa TFC tv naman nakapapanood ang mga Overseas Filipinos.

Sa primetime, lamang ang ABS-CBN sa kalaban, dahil 49% ang nakuha nila at 31% lang ang kalaban sa average audience share.

At 11 na shows ng ABS-CBN ang pasok sa Top 10 highest-rating programs ng Hunyo, sa pangunguna pa rin ni Coco Martin sa  FPJ’s Ang Probinsyano (42.2%), na sinundan ng The Voice Kids (36.8%), Dolce Amore (33.7%), Maalaala Mo Kaya (33.5%), Wansapanataym (31.1%), TV Patrol (30.2%), Goin’ Bulilit (23.8%), Home Sweetie Home (23.2%), Rated K (20.8%), at ang nagtapos na The Story of Us (19.8%). Pasok din sa Top 10 ang paghatid ng NBA Finals ng “NBA sa ABS-CBN” na nakakuha ng 22.6% na rating.

Number one rin sa daytime ang Be My Lady (18.6%), at wagi pa rin ang It’s Showtime (18.2%). Wagi rin ang Kapamilya Gold sa afternoon block na nakakuha ng 45% nationwide rating laban sa 33% ng kalaban.

Tinutukan din ng bayan ang Inauguration Day coverage na “Ang Panunumpa: Pangako ng Pagbabago, na kumana ng 18.8% laban sa 13.4% ng kalaban.