Una sa Balita

Cocker of the Year finals sa Biyernes

By
0 357

MALALAMAN ang grand winner ng 2019 LGBA Cocker of the Year series sa Biyernes, Apr. 12 sa komportableng Pasay City Cockpit sa pamamagitan ng ‘Northerners vs Southerners Encuentro 5-Bullstag Derby’.

Pinahayag kahapon ni Luzon Gamecock Breeders Association president Nick Crisostomo, na tatanggap ang COTY top ten winner ng cash at tropeo mula sa Sagupaan Agricultural Products, Inc.

“It’s still anybody’s race for the coveted COTY title but co-champions of first and second legs will enjoy a slight edge,” panapos ni Crisostomo.

Ang first at second leg champions ay sina Alex/Aristotle Aguirre ng Lightning Blade Alexa, Joven at Jess Mateo ng Jubilum at Ninety One, Hermie Pagtalunan ng Franzopia, Jed Antonio ng Jedi Master, Allan Chan ng WWW, John/Kenneth Liao ng June 29 Polangui 5-Cock, Larry Villacorte ng HCV Balasing Negro, Rep. Lawrence Wacnang ng Crowsland Farms at Rep. JB Bernos ng Abra.

Samantala, patuloy pa rin ang screening at wingbanding ng mga cockerel para sa mga LGBA member na sasali sa ‘PFGB Pambansang Digmaan 11-Stag Derby’.

Ang iskedyul pa ng surian ay sa Cavite sa Apr. 7 at 8, sa Batangas sa Apr. 2-13, sa Bulacan sa Apr. 5-8, sa Pampanga sa Apr. 9-10, sa Bataan sa Apr. 11 at Nueva Ecija sa Apr. 12.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy