Una sa Balita

Coal power plant sa Quezon inaawat

0 256

NAGTIPON ang mala­king bilang ng mga residente sa lalawigan ng Quezon upang kontrahin sa pamamagitan ng panalangin ang patuloy na pamamayagpag ng mga coal power plant sa kanilang lugar.

Ayon kay Msgr. Noel Villareal ng Our Lady of Angels Parish Church, nangunguna na ang kanilang lalawigan kung saan mayroong pinakamaraming bilang ng tinatawag na coal-fired power plants sa buong bansa.

“Building more coal plants manifests a big disregard to our common home and to the home of the future generation. We should not allow the greedy people of today consume the world that is left of the young and the unborn”, sabi ni Villareal.

Nababahala na si Villareal kabilang na ang ilang grupo ng mga magsasaka at mangi­ngisda sa lugar sa mga negatibong epekto sa kanilang kabuhayan at kalikasan na posibleng idulot ng sangkaterbang pabrika ng kur­yente sa lugar.

“What they do not know are the negative impacts of coal operations not just to our health and the environment but also to the prices of our electricity,” paliwanag naman ni Reynaldo Upalda ng Power for People Coalition-Atimonan (P4P).

Pinakahuling kaganapan sa nasabing lugar ay ang Atimonan One Energy Inc. (A1E) kung saan hindi pa man nagsisimula ang operasyon ay nakasusulasok na usok umano ang naamoy ng mga residente mula sa naturang pabrika.