Una sa Balita

Coal plant binawal sa Occidental Mindoro

0 259

BAWAL na ang pagtatayo ng coal fired power plant sa lalawigan ng Occidental Mindoro.

Ito’y matapos aprobahan ng Sangguniang Panlalawigan noong Disyembre 5 ang ordinansa na nagbabawal sa paggamit ng coal fired energy bilang source ng kuryente.

Inirekomenda ng ordinansa ang paggamit ng clean energy tulad ng geothermal, hydroelectric, solar, wind at biofuel.

“World powered by natural gas would be healthie­r than a world powered by coal, but healthier still would be a world powered by renewables,” ayon sa ordinansa na iniakda ni Abelardo Pangilinan.

“The development of cleaner fuels requires takin­g serious measures to reduce the severity of its urban air quality issues and considerations on the importance of transitioning to renewable sources of ener­gy.”

Binanggit nila ang isyu ng The Environmental Magazine noong Oktubre 18,2019, na ang coal ang pinakamaraming ibinubugang carbon dioxide na siyang nakasisira sa kalikasan at kalusugan ng tao.

“Of all energy resources, coal is one of the most injurious to the environment and health. Further, coal by-products cause a lot of pollution, which contri­butes to global warming and climate change,” ayon sa nilalaman ng ordinansa.

Isang konseho na pinamumunuan ni Eduardo Gadiano ang mangunguna sa pagsusulong ng renewa­ble energy program. Magiging kasapi ng council ang mga opisyal ng Department of Interior and Local Government at Department of Environment and Natural Resources.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy