Una sa Balita

Coal mas mapanganib sa ashfall

0 275

MAS mapanganib at nakamamatay ang polusyon na ibubuga ng ‘coal’ o karbon kumpara sa ‘ashfall’ na nagmumula sa mga pumuputok na bulkan.

Ikinumpara ng mga environmentalist ang ashfall sa Taal na may sangkap lamang na PM 10 at sulfur dioxide, habang ang mga coal plant ay may PM 2.5 na may maliliit na butil na mas mapa­nganib at nakamamatay dahil may iba pang nakalalasong sangkap na carcinogenic, mercury at arsenic.

“For communities living near the twenty-nine coal-fired power plants currently operating in the Philippines, particulate matter, toxic gas, and pollutants float in the air on a daily basis and these already claimed lives among many of the Filipino people,” paliwanag ni Ian Rivera, national coordinator ng Philippine Movement for Climate Justice (PMCJ).

Kasabay nito ay binatikos ng environmental think-tank ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) dahil sa tila kawalan nito ng ambisyon at paninindigan na proteksiyunan ang kalikasan sa bansa, dahil sa patuloy na pagkiling nito sa pagtatayo ng mga coal power plant sa bansa.

Ayon kay Gerry Arrances, executive director ng Center for Energy, Ecology, and Development, hindi umano tinutupad ni DENR chief Roy Cimatu ang kanyang ipinahayag na sa 2020, kanyang pa­tutunayan sa mga Pilipino na pangangalagaan ng departamento ang kalikasan at likas na yaman ng bansa.

“DENR seems to think that they have proven themselves triumphant in performing their mandate, but there is an elephant in the room which the Department can’t expect Filipinos not to point out – the role they played in the proliferation of dirty industries, especially coal facilities, that pollute the environment and threaten the health of the Filipino public,” giit ni Arrances.

Ang mga komento ay dahil na rin sa nasaksihang tensyon at pagpa-panic ng mga residente hindi lamang sa Batangas kundi sa mga karatig lalawigan.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More