Una sa Balita

Coal-fired power plant sa La Union inangalan ng mga pari, obispo

By
0 434

MAHIGPIT na tinutulan ng mga obispo at mga paring Katoliko ang pinaplanong pagpapatayo ng isang coal-fired power plant sa bayan ng Luna, La Union.

Sa isang manifesto na binabasa sa lahat ng mga misa sa nasabing probinsya, sinabi ni Bishop Daniel Oca Presto, ang mga Katolikong pari ay hindi sumusuporta para sa construction ng nasabing planta dahil ito ay makasisira sa kalikasan.

Ang 670-megawatt coal-fired power plant ay itatayo ng Global Luzon Energy Development Corp.(GLEDC) sa 41-hectare na sumasakop sa mga coastal village ng Barangay Carisquis at Barangay Nalvo Sur sa nasabing bayan.

Ang nasabing proyekto ay nakadisenyo at nakalagay malapit sa beach resort kunsaan sa tatlong kilometrong kalaparan ng Pebble beach ay nakatayo ang 400 taong Spanish ‘balwarte’.

“We are therefore issuing this manifesto to express our common stand of unacceptance and to explain what we firmly hold on to as the basis of our decision,” ani Presto. “Absolute sovereignty to do what he or she pleases over creations, especially exploiting it for the be­nefit of the few.”

Ayon sa isang taga-Luna na si Jen Palaroan, isang grocery owner, na gagawin niya ang lahat upang kontrahin ang pagpapatayo ng nasabing proyekto.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy