Una sa Balita

Coal-fired power plant inalmahan ng mga pari

By
0 25

Mariing kinonden­a ng Diocese of Marbel ang nakaambang pagtatayo ng isang coal-fired power plant sa Ned, Lake Sebu, South Cotabato.

Sa liham ng mga pari ng Diyosesis kay Coun. Hilario De Pedro III, chairman ng committee on environment ng Sangguniang Panlalawigan ng Koronadal City, South Cotabato, labag sa environment code of 2010 ang strip mining na isang paraan ng pagmiminang gagawin ng coal-fired power plant.

Giit ng mga pari, ang lugar na dapat na pagtatayuan ng coal plant ay sakop ng Kabulnan Watershed Forest Reserve na tiyak na makapeperhuwisyo umano sa malinis na pinagkukunan ng tubig ng mga mamamayan.

Samantala, tinutulan­ din ng mga pari ang nakaambang pagrerebisa­ o tuluyang pagpapawalang-bisa ng Department of Environment and Natural Resources (DENR)Administrative Order 2017-10 na nagbabawal sa open pit bilang paraan ng pagmimina sa buong Pilipinas.

Sa kanilang liham, sinabi ng mga pari na pinagtibay ang nasabing batas upang protektahan ang kanilang lalawigan at ang buong bansa laban sa mga man-made calamities na maaaring magmula sa pang-aabuso­ sa kapaligiran tulad ng open pit mining.

Natukoy na ang Ned, Lake Sebu ay may 27 milyong metriko tonelada na coal potential kaya nagkakaka-interes dito ang mga kompanyang nagpapatakbo ng coal plant.