Una sa Balita

Coach Reyes ikaw na rin ang mag-PBA Komisyuner!

By
0 4,351

BALIK sa kani-kanilang mother teams sa PBA ang Gilas Pilipinas players, maghahanap naman ng paraan si Chot Reyes para mapalakas pa ang national team.

Kung anuman ang mga plano ay ayaw pang talakayin ng coach.

“We have to talk with the PBA,” lahad ng coach. “It’s fortunate that the Commissioner (Willie Marcial) and I have an open line. We keep calling and talking to each other.”

Pag-upo ni Marcial bilang 10th commissioner ng pro league nitong Enero, tinanguan ng PBA Board ang panukala niyang bigyang-laya ang national team na humugot ng kahit ilang player sa bawat ball club.

Sa ngayon, tig-isa lang ang pinapahiram ng PBA teams sa Gilas.

Magandang makatapik ng kahit ilang players para sa national squad, pero punto ng coach ay kailangang magsama-sama nang matagal ang players para magkagamayan.

“We love the fact that they’ve opened it up, we could get more than one player per team,” ani Reyes. “But without practice, that’s useless. I’d rather go back to the one-player-per-team but have practice. At least mas okay na ‘yun kaysa sa you can get as much as you want pero wala naman practice.”

Pagkatapos ng apat na laro sa windows 1 at 2 ng 2019 FIBA World Cup Asian Qualifiers, pahinga muna ang Gilas Pilipinas.
Tinalo ang Japan, 89-84, nitong Linggo sa MOA Arena, sampa ang Filipinos sa 3-1 sa Group B at pasok na ang isang paa sa next round.

May ilang buwan na tengga ang Gilas, ­Hulyo pa ang susunod na window sa pagharap sa dadayo sa Manila na Australia. Yuko ang Filipinos sa Boomers, 84-68, sa Melbourne noong Pebrero 22.