Una sa Balita

Coach Pop nalumbay sa pagkasibak ng US

0 314

TAPOS ang maliligayang araw ng Team USA.

Nakalsuhan ang paghahari ng US sa international basketball, pinigil ng France sa FIBA World Cup sa China.

Wala ng gold. Wala kahit anong kulay ng medalya.

Sa unang pagkakataon sapul noong 2006, puro NBA players ang ipinadala ng US sa isang major tournament at hindi mag-uuwi ng gold.

Umiskor si Evan Fournier ng 22, nagdagdag si Rudy Gobert ng 21 points at 16 rebounds at sinorpresa ng Les Bleus ang Americans 89-79 sa queterfinals nitong Huwebes.

Nag-rally mula 10-point deficit ang US sa third, France naman ang umahon mula 7-point down sa fourth para kumpletuhin ang upset.

“Any loss hurts,” bulalas ni coach Gregg Popovich. “And in this situation, it hurts more. But life goes on.”

Nagtuhog ang US ng 58 straight wins sa FIBA T Olympic competitions sapul sa bronze medal game noong 2006 world championships hanggang FIBA Americas, World Cup at Olympics. Back-to-back champions sila sa World Cup, three-peat sa Olympics.

Best finish ng Americans sa China ay fifth kung tatalunin ang Serbia sa consolation match. Worst finish nila ‘yun na may NBA players sapul nang mag-sixth sa 2002 Worlds. Konsolasyon din ay biyaheng Tokyo sila sa 2020 para idepensa ang Olympic gold.

Nagsalansan ng 29 points si Donovan Mitchell sa US, pero hindi na umiskor sa fourth. Scoreless ang Americans sa tatlong sunod na posesyon sa stretch kaya nakontrol ng Frenchmen ang laro. (VE)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy