Una sa Balita

Coach Norman Black naghahanap ng higante

By
0 830

MAGHAHANAP si Norman Black ng “big import” para i-partner kay Allen Durham sa pagsabak ng Meralco sa 2018 FIBA Champions Cup sa Thailand.

Mismong si FIBA secretary general Patrick Baumann ang nag-request na magpadala ang PBA ng isang team sa torneo na magsisimula sa Setyembre 27 sa Bangkok.

Naka-break sa kasalukuyan ang PBA Go­vernors’ Cup, may dalawang linggo rin si Black para maghanap ng isa pang reinforcement ng Bolts.

Bago ang Champions Cup ay may isang laro ang Meralco sa Setyembre 19 kontra Phoenix.

“Hopefully we’ll be able to get a guy in here within the next three days,” ani Black.

Pianakamaliit na team sa PBA ang Meralco, wala silang slotman na tulad nina June Mar Fajardo o Greg Slaughter.

Bigatin pa naman ang mga makakasagupa ng Bolts sa Thailand sa pangunguna ng two-time winner at defen­ding champion Sporting Al-Riyadi ng Lebanon, at former champions Liao­ning Flying Leopards ng China at Petrochimi Bandar Imam ng Iran.

Ang iba pa sa field ay ang SK Knights of Korea, Pauian Archiland ng Chinese Taipei, Seoul SK Knights ng Korea at Alvark Tokyo ng Japan.

“It’s going to be tough, so it’s very important for us to get a very good big man to go along with AD,” dagdag ni Black. “So at least we could match up size-wise, because Meralco is one of the smallest teams in the PBA.”

Hindi si Arinze Onua­ku ang balak iparada ni Black, naghaha­nap pa siya ng bagong mukha.