Una sa Balita

Coach ng Arellano ‘pinagod’ si Verzosa

0 406

Mga laro ngayon:
(FilOil Flying V Centre)
12:00nn — Letran vs San Beda
2:00pm — Mapua vs Perpetual Help

PINAGOD ni Arellano University head coach Obet Javier ang pambato ng Jose Rizal University Lady Bombers na si Dolly Verzosa upang manatiling malinis ang kanyang koponan sa 95th NCAA wo­men’s volleyball tournament.

Winalis ng three-time defending champions Lady Chiefs ang Lady Bombers, 25-19, 25-16, 25-17 upang ilista ang 3-0 karta.

“Ang ginawa ko pina-target ko si Verzosa para bago pa man siya makarating dun sa unahan medyo pagod na rin siya kakapasa,” pag-amin ni Javier.

Namuno sa opensa para sa Lady Chiefs si graduating hitter Regine Arocha na umiskor ng 12 points kasama ang 11 kills at 15 habang kumana si Carla Donato ng 10 puntos at apat na blocks.

Bumakas sina Princess Bello at Necole Ebuen ng pinagsamang 14 markers para sa Legarda-based squad.

Bukod sa pagdepensa kay Verzosa, nakapagtala rin ang Arellano ng 10 blocks at tumipa ng 36 attack points.

Nakapagtala lamang si Verzosa ng walong puntos, lahat ay galing sa spikes para sa Lady Bombers na nalasap ang pangalawang talo sa tatlong salang. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More