Una sa Balita

Coach Kerr ‘wanakosey’ kay Curry

By
0 485

NAUBUSAN na ng salita si Steve Kerr para i-des­cribe si Stephen Curry, wala nang maisip ang coach para ilarawan ang angas maglaro ng kanyang superstar.

Nagsumite si Curry ng 38 points, 7 rebounds at 6 assists, at inambus ng Golden State ang Minnesota Timberwolves­ 116-108 Lunes ng gabi sa pagbabalik ni Draymond Green sa Warriors lineup.

Umiskor si Klay Thompson ng 26, may 22 si Kevin Durant sa Golden State, nakakuha ng momentum sa napipintong showdown sa dadayong Toronto Raptors bukas.

Bilang teammates, 35 beses nang umiskor sina Curry, Durant at Thompson ng 20 o higit pa sa isang laro.
“He’s good at basketball,” ani Kerr kay Curry na 7 for 14 mula 3-point range. “Nothing he does surprises me. Even on a night he gets off to a slow start he finds a way.”

Nag-init si Curry, kelan lang bumalik mula 11 larong pagka­wala dahil sa injured groin, matapos isablay ang anim sa unang siyam na tira. Nagbaon siya ng dalawang 3s at umiskor ng 14 sa third quarter kabilang ang final 9 ng Warriors sa period.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy