Una sa Balita

Coach Kerr nagmura dahil kay Draymond

By
0 500

INAMIN ni Steve Kerr na nakapagmura siya habang hinihimay ang pagkadismaya kay Draymond Green habang kausap ng head coach ang assistant niyang si Mike Brown sa 115-111 loss ng Golden State sa Phoenix nitong Linggo.

Walang audio ang kuhang video pero naintindihan ng lip readers ang lumabas sa bibig ni Kerr.

“I’m so f*****g tired of Draymond,” sabi raw ni Kerr.

Nakapagbiro pa ang coach.

“No, the lip-readers were wrong,” aniya. “What I said was, ‘I beg to differ with Draymond’s approach tonight.’ Those were my exact words. I don’t know how somebody misconstrued that.”

Hindi nagpraktis ang two-time defending champion Warriors nitong Lunes, nakalistang day-to-day si Kevin Durant nang masaktan ang paa sa kalagintaan ng fourth quarter ng nakakadismayang talo sa Suns. Sa panalo ay pinutol ng Phoenix ang 18-game losing streak sa Golden State — pinakamahaba sa NBA laban sa iisang katunggali.

Nag-usap na sina Kerr at Green pero hindi dinetalye ng coach ang nangyari.

Okupado pa rin ng Warriors ang tuktok ng Western Confe­rence sa 45-21. Ititigil na rin daw nila ang pakikipag-argumento sa mga referee.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy