Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Coach Chito, Topex pinipirata sa Japan

0 63

HINDI lamang mga manlalarong Pinoy ang pinipirata sa Japan B.League kundi pati na rin ang mga mahuhusay na coaches.

Ito ang nabunyag matapos tawagan ng bagong liga sa Japan ang premyadong coach na si Chito Victolero ng Magnolia Hotshots habang nakatuon din ito na makuha ang serbisyo ni Michael “Topex” Robinson ng Phoenix Fuel Masters para idagdag sa pinapaangat nitong propoesyunal na liga.

Iniulat na isang international sports management firm na inaalok si Victolero ng $250000 hanggang $30,000 kabayaran para tumalon sa Japan.

Maliban kay Victolero, isa din ang pangalan ni Robinson na ipinagtutuunan sa B.League bilang posibleng assistant coach at kalaunan ay maging head coach.

Inihayag ng isang Japan-based agent na ang isang assistant coach ay hindi lalampas sa $5,000 hanggang $6,000 bagaman mas mataas pa rin sa posibleng P200,000 kada buwan na nakukuha ni Topex para sa Phoenix. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.