Una sa Balita

Coach Chito irarampa ang Hotshots sa taas

By
0 1,907

TAMBAY muna si Paul Lee, may sprain sa kaniyang kaliwang paa na natamo sa panalo ng Magnolia sa Talk ‘N Text noong Sabado, 91-83.

Puntirya ng kasalo sa 1-2 puwestong Hotshots (5-1) na masolo ang unang puwesto ngunit hahadlangan ito ng katabla sa pangsiyam-ika-11 na Blackwater (2-4) sa sagupaan ngayong alas-4:30 ng hapon sa PBA Philippine Cup sa MOA Arena, Pasay City.

Kapag nakuha ng Hotshots ang kanilang pang-limang panalo, magagawa na nitong makuha ang unang puwesto na ngayo’y pinaghahatian nila ng defending champion na San Miguel Beer.

Kung makasilat ang Elite, aangat rin depende kung hanggang saan base sa magiging resulta ng alas-siyete ng gabing bangasan ng kahanay sa panlima-pampitong Rain or Shine (3-3) at Meralco (2-4).

Asam naman ng Blackwater na putulin ang tatlong sunod na semplang, huli laban sa Alaska Milk noong Sabado, 84-88.

“It’s a very dangerous game for us because Blackwater is coming from a three-game losing streak,” ani Hotshots coach Chito Victolero.

“We expect them to come hard and ready to bounce back in this game. We need to match the effort and aggressiveness of Blackwater from start to finish. We need to work also on our consistency on both ends and minimize our turnovers,” panapos ng Hotshots coach.

Ayaw na ng Elite na humaba pa sa apat ang bangungot.

“We are setting our minds not just to play good basketball versus Magnolia but we are setting our minds on beating them tomorrow,” saad naman ni Elite coach Leo Isaac. (Christian Cortez)