Una sa Balita

Coach Austria nagyabang: Kami lang nakaahon sa 0-3

0 252

KINUMPLETO ng Phoenix ang pahirapang 92-90 panalo kontra San Miguel Beer Linggo ng gabi sa Smart Araneta Coliseum, at siniguro ng Fuel Masters na may Game 5 sa PBA Philippine Cup semifinals.

Pero bago ‘yun, Game 4 muna mamaya sa Cuneta Astrodome.

Dadayo ng Pasay ang Fuel Masters na nakadikit sa serye 2-1, susubukang ibuhol para mahatak sa best-of-three ang race-to-four series.

Ikinatuwa ni coach Louie Alas na sa buong 48 minutes ng laro ay tuloy-tuloy sa pakikipagpukpukan ang kanyang Fuel Masters.

“At least kanina until the last second, nakaka-execute kami,” aniya.

Nagawa raw nilang sumabay hanggang dulo.

“Basically ganito rin naman ‘yun second game, hindi lang kami naka-close out. Siguro medyo natuto kami a bit ‘dun sa what happened sa second game,” dagdag ng coach patungkol sa collapse noong Game 2 na nagresulta sa 92-82 loss.

Si coach Leo Austria,­ aminadong mas determinadong manalo ang Fuel Masters para makaiwas sa 0-3 deficit.

“It has become difficult to beat Phoenix today because they know what’s their situation right now, dahil kung mape-pressure sila, mahirap,” aniya. “Kami lang yata nakagawa ‘nun, 0-3 (to 4-3).”

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy