Una sa Balita

Coach Alas aminado, SMB parang halimaw

0 251

Pagkatapos ng 11-game eliminations, No. 1 ang Phoenix, binigwasan sa isang laro lang ang Alaska 91-76 sa quarterfinals para agad pumalaot sa semifinals ng PBA Phi­lippine Cup.

Hinintay ng Fuel Masters ang makakatapat sa final four, nakumpirma noong Miyerkoles nang kalusin ng San Miguel Beer sa tatlong laro ang TNT KaTropa.
Alam na ni coach Louie Alas ang angas ng haharapin nila sa best-of-seven series na sisiklab ngayong araw sa MOA Arena.

“Four-time defen­ding champion,” bulalas ni Alas. “Facing SMB is like facing the national champion. Ganun sila kabigat, at kalalim.”

Pagkatapos ng 5-0 start sa season-opening conference, ginawang tuntungan ng Fuel Masters ang 96-93 win kontra SMB para selyuhan ang top seeding noong March 16.

Sa unang pagkakataon, top seed ang team ni Dennis Uy.

Pero halimaw ang kailangang itumba para umusad pa.

“Walo (sa San Miguel) p’wedeng mag-double-figures. Daming kaila­ngang i-stop, plus super experienced team,” suma ni Alas. “Anyways, we need to pick our poison.”

Dapat daw, hanggang apat na Beermen lang ang puwede mag-click para magkaroon ng tsansa ang Phoenix.

“Still figuring put how to contain (June Mar) Fajardo, Can’t stop him, just contain him.”

Inisa-isa ng coach sina Chriss Ross, Marcio Lassiter, Terrence Romeo, Alex Cabagnot, Christian Standhardinger, Von Pessumal, Kelly Nabong at Ronald Tubid.

“Of course, Arwind (Santos), their two way player,” dagdag ni Alas. (Vladi Eduarte)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy