Una sa Balita

COA sinita ang iregularidad sa Kaliwa Dam project

0 383

NABUKING ng Commission on Audit (COA) ang ilang iregularidad sa paggagawad ng kontrata para sa konstruksiyon ng P12.2 billion Kaliwa Dam project sa Infanta, Quezon sa isang Chinese firm.

Sa 8 pahinang audit observation memorandum na may petsang­ Hunyo 10, 2019, sinabi ng COA na nabigo ang technical working group (TWG) ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) na magsagawa ng mga bidding at vetting procedure bago iginawad ang proyekto sa China Energy Engineering Corp. (CEEC) noong Disyembre 2018.

“We recommend that (MWSS) Management demand explanation from the members of the TWG for acceptance of the two bidders/contractors in spite of non-compliance with vetting/pre-qualifica­tion requirements,” nakasaad sa memo nina officer-in-charge audit team leader Rency Meryl Marquez at officer-in-charge supervising auditor Ma. Nancy Uy at naka-address kay MWSS administrator Reynaldo Velasco.

Sinabi pa ng state audit body na dapat ding papanagutin ang mga opisyal ng TWG sa kabiguang­ magsagawa ng pagsusuri sa proyekto at humiling ng kapalit ng dalawang hindi kuwalipikadong bidder, na pumigil sa MWSS na makapili ng pinaka-qualified na contractor.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More