Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

COA may 5K bakanteng trabaho

0 180

Apat sa 10 personnel position o 5,826 sa Commission on Audit (COA) ang bakante at posibleng humina pa ang manpower ng ahensiya sa napipintong pagretiro ng halos 1,000 kawani ng ahensiya, ayon kay Senate President Pro Tempore Ralph Recto.

“That’s the equivalent of 10 Army battalions,” ayon kay Recto.

Batay sa dokumento ng 2022 national budget, ang COA ay may 14, 102 authorized position kung saan 8,876 lang ang napunan.

“‘Pag in-audit mo ang workforce nila, ang conclusion ay 30% of COA auditors are in the sunset of their careers,” dagdag nito.

Ayon sa senador, dapat maging agresibo at maging malikhaan ang COA sa paghahanap na mga bagong empleyado nito.

“Kailangan ng mga millennial pamalit sa mga millennior. Habang mahaba pa ang panahon for the veterans to mentor the rookies,” sabi ni Recto. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.