Una sa Balita

COA chairman ‘di kabado sa kidnap, torture joke ni Digong

By
0 675

HINDI minasama ­bagkus ay tinawanan lamang ni Commission on Audit (COA) Chairman Michael Aguinaldo ang banat sa kanila ni Pangulong ­Rodrigo Duterte.

Ito ang inihayag ni Presidential Spokesman Salvador Panelo matapos makausap ang opisyal sa isang dinner sa Greenhills, San Juan City.

Ayon sa kalihim, batid aniya ni Aguinaldo na nagbibiro lamang ang Pangulo kaya walang dahilan para magbalat-sibuyas.

Maski aniya sa na­ging pahayag ni Pangulong Duterte na ihuhulog niya sa hagdan ang mga taga-COA noong panahon ng bagyong Ompong, sinabihan ni Aguinaldo ang kanyang mga tauhan na lumayo sa hagdan.

“‘Yung mismong binabanatan niya ay naiintindihan siya. ‘Yung mga nagre-react – dapat ang nag-react ‘yung binanatan niya ‘di ba? ‘Yon ang problema sa kanila, they are more Popish than the Pope,” ani Panelo.

Pinuri ng kalihim ang COA commissioner dahil alam nito kung paano intindihin ang mensaheng nais ipahatid ng Presidente sa pamamagitan ng kanyang mga talumpati.

“‘Yon ang mga dapat na attitude, hindi ‘yung nagpapakuwela lang eh banat na kaagad. Ang ko-corny n’yo,” dagdag pa ni Panelo.

Matatandaang sa isang talumpati ng Pangulo ay inihayag nitong kidnapin at i-torture ang mga taga-COA dahil sa sobrang paghihigpit nito ay nakokompromiso ang ilang mga programa ng pamahalaan.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy