Una sa Balita

Cloud seeding sa Batangas pag-aralan muna — Solidum

0 272

BAGAMA’T magandang ideya ang cloud seeding para malinis agad ang naging epekto ng ashfall sa buong Batangas, dapat masusi itong pag-aralan dahil maaaring magdulot ito ng mas malaking problema.

Ito ang tugon ni Phivolcs Director Renato Solidum sa panukala ni Sen. Tito Sotto na atasan ang Philippine Air Force na magsagawa ng cloud see­ding upang matulungan ang mga residente at lokal na pamahalaan na makapaglinis mabuti kasunod na rin ng mga reklamo nito na maputik na sa mga kalsada.

Ayon kay Sotto, suportado ng kanyang mga kapwa senador ang nasabing panukala.

“Water solves the ashfall debris,” giit ni Sotto.

Gayunpaman sinabi ni Solidum na dapat pag-aralang mabuti ang panukala ng senador, bagama’t magandang ideya umano ang cloud seeding ay dapat pag-aralan nang mabuti ito lalo at kung magkaroon ng walang tigil na pag-uulan ay lahar flow naman ang siyang banta na magdudulot pa ng mas mala­king pinsala.

“This has to be studied. Obviously kung masyadong maraming tubig, mawa-wash down ang abo sa gilid at may banta ng flood or lahars dahil inaanod ang abo. In general cloud seeding is a good idea, but how to operationalize it, you really have to study it,” paliwanag ni Solidum.

Una nang nagbabala ang Pagasa sa mudflow sa Calabarzon sa oras na magkaroon ng pag-uulan. (Tina Mendoza)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More