Una sa Balita

Clippers, Kawhi sabog kay Harden, Rockets

0 368

TINAWANAN ni Austin­ Rivers ang kanyang amang si Doc Rivers sa laro ng Houston at Los Angeles nitong Miyerkoles.

Guard ng Rockets si Austin, head coach ng Clippers si Doc.

Sa dulo ng wild game, ejected si Doc nang mapituhan ng dalawang magkasunod na technicals.

Tumatawa si Austin, sumenyas pa siya sa referees na bigyan ng T ang ama.

Related Posts

Lamang ng dalawa ang Houston nang ma-fouled out si dating Rocket Patrick Beverley. Ipinasok ni James Har­den ang dalawang free throws bago dinamba ang rebound sa kabila at nagbaon ng 3 tungo sa 95-88 lead.

Umiskor si Harden ng 47 points at pinigil ng Rockets si Kawhi Leonard at Clippers 102-93. Nagdagdag si Russell Westbrook ng 17.

Nag-deliver si Clint Capela ng 12 points at 20 rebounds bago nag-exit 4 ½ minutes pa nang tamaan sa mukha habang nakikipagbalyahan sa rebound. (VE)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy