Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Clippers butata kay Rose, Knicks

0 120

NAG-DELIVER ng 25 points at 8 assists off the bench si Derrick Rose para giyahan ang New York Knicks sa 106-100 panalo kontra Los Angeles Clippers Linggo ng gabi sa Staples Center.

May 24 points si Reggie Bullock, tumapos ng double-double na 14 points, 14 rebounds at may 5 assists pa si Julius Randle para sa Knicks (38-30) na No. 4 sa Eastern Conference.

Limang 3-pointers ang pinakawalan ni Bullock laban sa dating team, may apat pa si RJ Barrett tungo sa 18 points.

Related Posts

May 5 ½ minutes pa sa laro, ibinalik ni coach Tyronn Lue si Kawhi Leonard sa laro at umiskor ng limang sunod para ilapit ang Clippers 96-90. Pinaghatiang iguhit nina Leonard at Paul George ang final 15 points ng Los Angeles.

Huling nanindak ang LA 104-100 sa 3 ni Leonard pero sumagot ng free throws sa kabila si Taj Gibson para selyuhan ang panalo.

Tumapos si Leonard ng 29 points, may 18 si George para sa Clippers (45-23) na No. 3 sa West. (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.