Una sa Balita

Clint Bondad tsugi agad sa ‘Eat Bulaga’?

0 887

abante-i-know-better-jun-nardoHindi na namin nakikita ngayon sa “Eat Bulaga” ang Fil-German model-actor na si Clint Bondad, ang ex-boyfriend ni Miss Universe 2018 Catriona Gray.

Sa segment na ‘Rush For Win’ siya lumalabas bilang analyst ng contest.

Kabiruan pa niya minsan sina Allan K at Paolo Ballesteros.

Suddenly, na-lost na si Clint sa segment. Ano kaya ang naging problema?

Of course, kapag kinuha ka ng “Bulaga”, dapat eh pumalo ang presence mo sa viewers. Hindi sapat ‘yung pagiging guwapo at hunk niya upang manatili sa programa.

Look at Maureen Wroblewitz na winner sa isang season ng “Asia’s Next Top Model”. Panandalian lang siya sa EB at nawala na rin.

Gaya ni Clint, Fil-German model din si Maureen at kapwa sila nawala na sa noontime show.

Darna mapapasabak sa aktingan kina Maricel, Janella

Ang Regal Entertainment ang unang nagtiwala kay Jane de Leon sa big screen sa mga pelikulang “The Debutantes” at “Walwal”.

Kaya naman nang si Jane ang ipakilala bilang bagong Darna eh, isa si Roselle Monteverde sa natuwa sa malaking break na dumating sa career niya.

Maging ang director ni Jane sa “Walwal” na si Joey Reyes ay nagpaabot ng pagbati sa Twitter.

“Congratulation to the NEW DARNA. Jane de Leon! A hardworking and talented young lady who deserves this biggest break. All the best for you!” tweet ni Direk Joey.

Bago ang pelikulang “Darna”, mapapanood si Jane sa Regal horror movie na “The Heiress” kung saan kasama niya sina Maricel Soriano, Janella Salvador at Sunshine Cruz.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy