Una sa Balita

Clinical depression

0 619

Dear Dra Holmes:
Security guard po ang asawa ko pero nawalan ng trabaho noong Marso pa po.

Bakit kaya sya hindi pa naghahanap ng trabaho? Ngayon pag mag away kami, wala na siyang masyadong sina-sabi, di gaya ng dati na malakas ang boses niya at nagmumura pa. Minsan, narining ko siyang umiiyak. Hindi na po siya maagang gumising at wala na pong gana kumain. Wala na rin po kaming ginagawa sa kama.

Nung unang nangyari ito, galit ako sa kaniya. Talaga po kaming nahirapan
Nang nawalan siya ng trabaho. Pero nga-yon, naaawa ako sa kaniya. May pag-asa po ba siyang gumaling?
Charry

Dear Charry:
Maraming Salamat sa iyong sulat. Sa a­king opinyon, ang asawa mo ay may clinical depression. Hindi lang siya malungkot, ang kalungkutan ay nangyayari sa lahat sa atin. Pero iba ang clinical depression. Ang clinical depression ay hindi nangyayari sa lahat.

Ang clinical depression ay isang sakit sikolohikal at gaya ng ibang sakit, puwedeng gumaling ag taong mayroon nito. Sa katotohanan lang, ito ay isa sa pinakamadaling gamu-ting sakit (mental health disorder) .

Sinabi ko na depressed ang asawa mo dahil sa kaniyang ginagawa at masasabi rin nating HINDI ginagawa. Halimbawa, hindi na siya kumakain nang regular, hindi na maaga gumising, hindi na nakikipagsiping. Kahit ang mga away at argumento ninyo ay hindi na matindi, diba, Charry? Minsan naririnig mo siyang umiiyak. Huwag kang magalala, Charry. Lahat ito ay simtomas ng depression.

Mayroog mga iilang paraan na magagamot ang depression at hihintayin ko nalang ang sulat mob ago koi to ibigay, ok? Ingat—MG Holmes
Si Dra Holmes ay nagsusulat sa Abante tuwing Lunes, Miyerkoles at Biyernes. Sulatan siya sa Facebook: http://www.facebook.com/dr-margieholmes.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy