Una sa Balita

Climate crisis, global heating akmang termino sa environmental crisis

0 282

BINAGO ng isang British daily newspaper ang ginagamit na termino sa environmental crisis na kinakaharap ng mundo.

Imbes na ‘climate change’, pinaboran ng The Guardian ang terminong climate emergency, crisis o breakdown. Sa halip naman na ‘global warming’, ang akmang termino ay global heating.

Ayon kay editor-in-chief Katharine Viner, gusto lamang nilang maging ‘scientifically precise’, upang maiparating nang malinaw sa mga mambabasa ang mga mahahalagang isyu.

“The phrase ‘climate change’, for example, sounds rather passive and gentle when what scientists are talking­ about is a catastrophe for humanity.”
Binanggit pa ni Viner na ang mga terminong ito ay ginagamit na rin ng mga climate scientist at organizations mula sa United Nations hanggang sa Met Office’s

Noong Setyembre ng nakaraang taon, nagsalita si UN secretary gene­ral Antonio Guterres at climate crisis ang kanyang ginamit imbes na climate change.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy