Una sa Balita

Clemente trangka sa pagratrat ng UPHSD sa JRU

By
0 707

STANDINGS

TEAMS W L

AU* 4 0

SBC 4 0

UPHSD 4 1

SSC-R 2 2

CSJL 2 2

CSB 2 2

JRU 2 3

LPU* 1 3

MU 0 4

EAC 0 4

Naglalaro pa kahapon:

Mga laro ngayon:

(Filoil Flying V Center-San Juan City)

11:00 a.m. – EAC vs CSB

12:30 p.m. – SBC vs. CSJL

Gumiya si Maria Lourdes Clemente ng 19 puntos upang akayin ang University of Perpetual Help System Dalta sa 25-21, 22-25, 25-14, 25-21 panalo kontra Jose Rizal University kahapon sa 93rd National Collegiate Athletic Association 2018 women’s indoor volleyball tournament eliminations sa Filoil Flying V Center, San Juan City.

Nagsumite rin ng 14 kills at dalawang blocks si Philippine Superliga veteran Clemente upang kumapit ang Lady Altas sa third spot ng team standings.

Bumakas din si Cindy Imbo ng 18 points para sa Las Piñas-based volleybelles na tangan ang 4-1 panalo-talo na karta.

Magkasalo sa unahan ang defending champion Arellano University at San Beda College hawak ang tig 4-0 cards.

“We got really improve our service, which was really bad in the first two sets especially in the second set,” saad ni Perpetual Help coach Michael ‘Macky’ Cariño na sinalya ang Lady Bombers sa 2-3. “If we can do that, we’ll have a strong chance to this season.”

Bukod kina Clemente at Imbo nagpakitang gilas din si Hershey Kate Llorente na nakapagtala ng pitong puntos para sa Lady Altas.

“I gave her (Llorente) an opportunity and I’m happy she made the most of it,” ani Cariño.

Pagkatapos ng laro, nagpahinga muna bago bumalik sa training agad ang UPH kinagabihan upang paghandaan ang nalalapit nilang pakikigtutuos sa Lady Chiefs.

“We have little time to prepare so we got to practice tonight,” panapos ni Cariño. (Elech Dawa)