Una sa Balita

CLEAR IT: Utang dapat binabayaran

By
0 75

Dear Atty. Claire,

Gud day po. May tanong po ako. May nag-file na daw po sa akin ng kaso regarding sa utang ko sa bank na ‘di ko na bayaran.

May iniwan po contact sa barangay namin at nang tinawagan ko po ‘yung number ay may nakausap po ako.

Sabi sa akin na taga-NCRPO daw po sila at may nag-file daw po kaso sa akin…. Ano po ba gagawin ko totoo po ba makakasuhan ako sa halagang 17k?

Gumagalang,
Dolly

Dolly,
Malamang sa hindi na ang natawagan mo ay isang collection agency na kadalasan ay gumagamit ng pananakot tulad ng ginawa sa iyo na gumamit pa ng pangalan ng NCRPO para ikaw ay agarang magbayad sa bank na nag-engage ng services nila para sa pangongolekta.

Upang mawala ang takot mo ay puntahan mo ang bank na pinagkakautangan mo upang mabayaran ang utang kahit paunti-unti.

Sa halagang P17,000 ay maaari kang maka­suhan depende kung paano ka ba nagkautang. Kung loan lamang at walang tseke kang naibigay o ­na-issue na tumalbog kalaunan o kaya naman ay walang ­credit card kang ginamit ay simpleng collection of sum of money with damages ang maaaring ­maisampa sa iyo.

Ngunit kung may tumalbog kang tseke o guma­mit ng credit card ay maaari kang masampahan ng criminal case for Estafa, violation of BP 22 ­(Bouncing Checks Law) o ‘yung tinatawag nating Access Device Regulation Act para sa credit card na ‘di nabayaran.

Ang utang ay utang na dapat binabayaran. Puntahan kaagad ang bank at makipag-ugnayan kung paano mo babayaran ang natitirang utang. Nasa ­kamay mo na ang susunod na mangyayari.

Kung may katanungan pa ay tumawag lamang sa 410 7624 o 922 0245 o mag-email sa attorneyclaire@gmail.com

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy