CLEAR IT: Saan ako lalapit tungkol sa problema sa lupa?

By

Dear Atty. Claire,

Good day po. Ask ko po kung saan ­sangay dapat pumunta para malaman kung sino ang may-ari ng isang lupa na kinatitirikan ng bahay ko o kung meron bang may-ari nito, at paano ito maipapangalan sa isang tao kung walang pang nagmamay-ari nito?

Salamat po,

— Roberto

Mr. Roberto,

Ang isa sa mga sangay na maaari mong puntahan upang malaman kung ang lupa na inookupahan mo ay mayroon ng may-ari ay ang Tax Mapping Division sa inyong munisipyo o lungsod.

Ang Tax Mapping ay isang paraan na ginagawa upang malaman at matukoy ang mga parsela ng lupa at ma-classify ito para sa tamang pagbabayad ng buwis. Sa Tax Mapping din malalaman kung ang isang property ay deklarado na inookupahan o may titulo na.

Makipag-ugnayan ­lamang sa Tax Mapping Division at ibigay ang address ng ating lugar at makikita sa record nila kung ang lupa ay titulado na.

Maaari ka rin pumunta sa Assessor’s Office at sabihin ang address ng iyong tinutuluyan at sabihin na nais mo ipadeklara ito sa pangalan mo at ito ay iyong ipasuri (ocular inspection) at kapag nabatid nila na qualified ito na ideklara sa pangalan ay magkakaroon ka ng Real Property Tax Declaration at babayaran mo ang amil­yar taun-taon.

***


Kung may katanu­ngan pa ay tumawag lamang sa 410-7624 o 922-0245 o mag-email sa attorneyclaire@gmail.com.


SHARE