Una sa Balita

CLEAR IT: Nakabili ng lupa gustong magpatitulo

By
0 155

Dear Attorney Claire,

Hingi po ako ng opinyon. Nakabili po ako ng lupa malapit lang po sa amin. Ngayon gusto ko po patituluhan. Nag-inquire kami sa munisipyo pero ang nagbenta raw sa amin ay hindi ang nakapanga­lan sa titulo. Ang lupa ay baka sa tatay niya pa nakapangalan. Ano po gagawin ko?

Thank you for your response
— Jason G. 

Mr. Jason G., 

Madalas kong ipa­alala na huwag basta-basta bibili ng anumang bagay na hindi sigurado sa pagkatao ng nagbebenta. Isa pa na dapat tandaan ay hingin muna sa nagbebenta ang dokumento na nagpapatunay na siya ang may-ari ng binebenta.

Kung sa iyong sitwa­syon ay lumalabas na ang nagbenta ay ibang tao kaysa sa pangalang nakarehistro bilang may-ari ay hindi mo iyan mapapatituluhan ng hindi mo nakokonekta ang karapatan ng nagbenta sa iyo at sa ­taong nakarehistro bilang may-ari. Kung namana ng nagbenta o seller mo ito mula sa tunay na may-ari ay kailangan pa rin naman na gumawa ng mga dokumento upang mailipat sa nagbenta sa iyo ang pagmamay-ari nito bago niya ito tuluyang maisalin sa iyo. Ganoon din ang sitwasyon kung nabili ng seller mo ang lupa mula sa nagmamay-ari ng lupa na mapapatunayan lamang kung siya ay may Deed of Sale. Babayaran ang lahat ng taxes bago mo ito mapatituluhan o masalin sa iyo.

Kung sakali na naki­kita mo pa ang seller mo ay kausapin mo ito at kumpletuhin ang lahat ng papeles upang maisakatuparan mo ang nais mo na mapatituluhan ito sa pangalan mo.

Aking aasahan na ­legal ang pagbebenta sa iyo dahil kung hindi ay tiyak na maghahabol ka sa peke mong seller upang maidemanda ng Estafa.

***

Kung may katanu­ngan pa ay tumawag lamang sa 4107624 o 9220245 o mag-email sa attorneyclaire@gmail.com.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy