Una sa Balita

CLEAR IT: Utang ng namatay na tatay maaring masingil sa naiwang estate

By
0 177

Good day attorney gusto ko lng mag-ask ng advise ninyo about sa utang ng father ko, ‘yung ATM niya po kasi ay nakasanla at ngayon ay tinubos po ng mga kamag-anak niya bgo siya mamatay. Nu’ng namatay siya ay pinapabayaran sa akin ‘yung utang niya. Wala naman pong contract, although ako ang nagsabi sa kanila na nakasanla ‘yung ATM ng father kaya nag-offer sila na tubusin. Ngayon po ay may natanggap ako perang kaunti at gusto nila na kunin po lahat at walang itira sa akin. Ano po ba karapatan ko? Thank you in advance po.
Gie

Gie,

Unang-una ay hindi namamana ang utang kaya’t hindi ka naman maaaring puwersahin na bayaran ang personal na utang ng namayapang tatay.

Kung ang perang nakuha mo ay galing naman sa tatay mo o kaya ay masasabi natin na parte sa mga pag-aari ng tatay mo bago siya namatay na maaari mo sanang manahin ay hindi ito maililipat sa iyo at iyong ariin habang may utang ang tatay mo na hindi nababayaran.

Ang mga creditor ng tatay mo ay maaa­ring maningil sa naiwang estate o ari-arian niya bago pa maisalin ang mga matitirang ari-arian sa mga tagapagmana niya.

Kaya’t kung ang nakuha mong pera ay parte ng estate ng tatay mo at iyan ay kulang pang pambayad ng utang ay makukuha iyan ng mga creditor ng tatat mo. Kung kulang ang naiwang ari-arian para ipambayad sa utang ay hindi ka naman nila masisingil kung manggagaling ang pambayad sa sarili mong bulsa dahil hindi nga namamana ang utang.

Hanggang sa value ng estate lamang na naiwan ng namatay ang paghahatian ng mga creditor upang mabayaran ang utang ng namatay sa kanila.

***

Kung may katanu­ngan pa ay tumawag lamang sa 410-7624 o mag-email sa attorneyclaire@gmail.com.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy