Una sa Balita

CLEAR IT: Magsampa ng petition for habeas corpus

By
0 128

Dear Atty,

Magandang araw po sa inyo.

Ako po ay may anak na 8 months old at siya ay nasa pag-aaruga ng kanyang ina. Kami po ay hindi kasal ng kanyang ina at kami ay nagkahiwalay. Umabot na kami sa barangay at DSWD suba­lit hindi kami nagkaayos. Ako po ay nagbibigay ng financial na supporta sa bata ngunit ito’y ibinabalik sa amin. Ayaw nilang tumanggap ng anong suporta mula sa akin para daw mawalan na ako ng karapatan sa aking anak after 7 years. Totoo po ba ‘to?.

Hindi ‘ko po magawang magpunta sa kanila dahil sa pagbabanta sa akin ng kanyang magulang.

Ano pong batas ang maaari kong gamitin sa hindi pagtanggap ng supporta sa aking anak.

Ako’y labis na nahahabag sa aking anak at alam ko ang karapatan ko sa kanya.

Lubos na gumagalang,
Joey

Joey,

Sa ngayon ay lumalabas na hindi mo nakikita ang anak mo dahil sa pinagbabantaan ka ng mga magulang ng babae.

Totoo na bilang ama ay may karapatan ka rin na makita ang anak mo at hindi nawawala ang karapatan na iyan kahit pa umabot sa 7 taon ang bata.

Bilang isang illegitimate child ay mapupunta talaga sa nanay ang kustodiya ng bata at ang biological father naman ay maaaring mabigyan ng karapatan na mabisita siya o magkaroon ng pagkakataon na makasama siya tuwing week end o special na okasyon ngunit depende ito sa magi­ging sunduan ninyo ng nanay ng bata (ex girlfriend mo).

Ang maaari mong gawin sa ngayon ay magsampa ng Petition for Habeas Corpus upang madala nila ang bata sa korte upang makita mo. Sa kasong iyan ay mapapag-usapan na rin ninyo kung ano ang magiging set up para makasama ang bata ng hindi ka na pupunta sa bahay nila upang maiwasan ang pagbabanta sa iyo.

Sa kasong ito na rin ninyo pag-uusapan kung paano mo ipaparating ang suporta sa bata at maaaring hilingin na ma-account ang perang ibibigay mo para sa bata.

***

Kung may katanungan pa ay tumawag lamang sa 410-7624 o mag email sa attorneyclaire@gmail.com.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy