Una sa Balita

CLEAR IT: Magpetisyon sa korte para magamit ng bata ang apelyido mo

By
0 15

Hi Atty. Claire,

Gusto ko lang po sana magtanong kung ano dapat ko gawin para maibalik sa apelyido ko ang apelyido ng anak ko. Single parent po ako, iniwan kami ng ama niya habang pinagbubuntis ko siya. Nang ipinanganak ko siya, nakiusap ang ama niya na gamitin ko apelyido niya para sa bata. Dati nagpapadala siya ng 1k para sa bata. Pero minsan niya lang kamustahin ang bata at ni hindi niya pa ito nakikita ng personal. Simula nung April, hindi na nagpadala ang ama niya para sa kanya ma­ging ng mag-birthday siya ay hindi niya man lang binati ito. Nararamdaman ko na wala na siyang pagpapahalaga sa bata kaya gusto ko na sana na isunod sa apelyido ko ang anak ko tutal naman wala na siyang pakialam sa bata. Tulungan niyo po sana ako.

Maraming salamat po.
Jen,

Jen,

Hindi basta-basta mapapalitan ang apelyido ng anak mo kung iyan ang nais mo dahil lamang sa naiinis ka na sa tatay niya sa hindi pagsuporta at pagkalinga nito sa bata.

Ang tamang paraan para mapalitan mo ang apelyido ng anak mo ay magsasampa ka ng kaso o petition sa korte upang magamit ng bata ang apel­yido mo at papatunayan mo na ang pagpapalit ng apelyido ay para sa kanyang magandang kapaka­nan. Ayon kasi sa ating Family Code:

Art. 176. Illegitimate children shall use the surname and shall be under the parental authority of their mother, and shall be entitled to support in conformity with this Code.

However, illegitimate children may use the surname of their father if their filiation has been expressly recognized by the father through the record of birth appearing in the civil register, or when an admission in a public document or private handwritten instrument is made by the father xxx.

Kaya ang isang illegitimate child ang maaa­ring magpasya kung ano ba ang apelyido na nais niyang gamitin at kung ito ba ang makakabuti sa kanyang kapakanan. Walang karapatan ang sinuman sa nanay o tatay na ipilit ang gusto nila. Ngunit kung ang bata ay menor-de-edad pa at hindi pa marunong magpasya ay maaaring pakinggan ng korte ang nais ng nanay ng isang illegitimate child lalo pa kung ang bata ay hindi pa naman na-recognize ng tatay; at kung ang pagpapalit ng apelyido ay mas makakabuti sa bata.

Sa kasong Grande vs. Antonio (G.R. No. 206248, February 18, 2014) ay sinabi ng Supreme Court na

“x x x Art. 176 gives illegitimate children the right to decide if they want to use the surname of their father or not. It is not the father (herein respondent) or the mother (herein petitioner) who is granted by law the right to dictate the surname of their illegitimate children. x x x.

It is best to emphasize once again that the yardstick by which policies affecting children are to be measured is their best interest. On the matter of children’s surnames, this Court has, time and again, rebuffed the idea that the use of the father’s surname serves the best interest of the minor child. In Alfon v. Republic, for instance, this Court allowed even a legitimate child to continue using the surname of her mother rather than that of her legitimate father as it serves her best interest and there is no legal obstacle to prevent her from using the surname of her mother to which she is entitled. In fact, in Calderon v. Republic, this Court, upholding the best interest of the child concerned, even allowed the use of a surname different from the surnames of the child’s father or mother. Indeed, the rule regarding the use of a child’s surname is second only to the rule requiring that the child be placed in the best possible situation considering his circumstances.”

Kung sa birth certificate ay hindi naman siya ni-recognize ng tatay niya at hindi naman siya nabibigyan nito ng pansin ay maaari mong gamitin na dahilan iyan upang mapabago ang surname ng anak mo. Ang una kasing idedetermina ng korte ay kung ang pagpalit ng apelyido ay ang tunay na pasya o gusto ng bata. Kung walang pagpapasya dahil sa napakabata pa ay titignan ng korte ang maidudulot ng pagpalit ng apelyido.

Halimbawa ay kung mas makakabuti na mabago ang apelyido dahil sa isang petition na kaila­ngan sa pagpunta o pagtira sa ibang bansa, scholarship, etc. Lahat ng ito ay pakikinggan ng korte upang malaman kung papayagan kang mabago ang apelyido ng anak mo.

***

Kung may katanu­ngan pa ay tumawag lamang sa 410-7624 o 922-0245 o mag-email sa attorneyclaire@gmail.com